sa Batang Hesus ng Praga
2009 taon ika-26 ng Setyembre
O Panginoon kong Hesukristo,
ang Mahal na Santo Nino, lumalapit kami sa Iyo ngayon na lubos ang pananampalataya na Ikaw ang Anak ng Diyos. Nagkatawang tao Ka lalang ng Espiritu Santo na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Kami’y sumasamba Sayo O aming Tagapagligtas kaisa ng iyong Mahal na Ina, ni San Jose, ng mga anghel, mga banal at ng mga pastol kaparis nung Ika’y namalas nila sa Belen.
O Senor Sto. Nino, Ika’y Nagpakababa’t piniling maging gaya naming mga aba. Itulot po Ninyo na lagi naming isa-alangalang ang pagtulong sa mga nahihirapan, ang pagmamahal sa mga dukha, at pag-akay sa mga aba.
Ingatan po Ninyo ang aming mga pamilya at maging kawangis nawa kami ng Inyong mag-anak sa Nazaret. Pagpalain Mo po ang mga sanggol at kabataan upang kagaya Mo ay lumawak sa karunungan at lumaking kalugod-lugod sa Diyos at sa tao.
Palaguin Mo po kami sa pagmamahalan at paglilingkod sa isa’t isa kagaya ng Iyong mga halimbawa na siyang magdadala ng tunay na kaligayahan sa aming buhay dito sa lupa.
Masumpungan po nawa ng bawat isa sa amin ang kadakilaan ng Iyong pagkakatawang tao na siyang maghahatid sa buong sangkatauhan ng liwanag, tuwa, at kapayapaan.
Ang lahat pong ito’y aming hinihiling sa Iyo, aming Panginoong Hesukristo, Ikaw na nabubuhay at naghahari sa kadakilaan ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,magpagpasawalang hanggan, Amen.
Senor Santo Nino Jesus de Praga, kaawaan mo po kami!